Nagpaliwanag ang Social Security System (SSS) sa mga dismayadong pensioner nito na umaasang matatanggap na ang P1,000 dagdag sa kanilang pension.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, hinihintay pa ng ahensiya ang kautusan ng Office of the Executive Secretary (OES) para sa pagpapalabas ng dagdag na pensiyon.
Nilinaw din niya na aprubado na ni Pangulong Duterte ang pension hike at tanging authorization na lamang ng OES ang kulang upang maideposito nila ang karagdagang P1,000 pension sa mga retiradong miyembro ng SSS. (Rommel P. Tabbad)