Katy copy copy

MAGBABALIK si Katy Perry sa Grammy Awards na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga na matagal nang naghihintay ng bagong musika mula sa pop singer na ang huling album na Prism ay noong 2013 pa lumabas.

Inihayag din ng Recording Academy nitong Martes na magtatanghal din ang mga nominado sa Grammy na sina Kelsea Ballerini at Lukas Graham sa Linggo sa Staples Center sa Los Angeles. Ipapalabas ang show sa CBS simula alas-8:00 ng gabi.

Magsasama-sama naman ang mga nominado sa Grammy na sina Demi Lovato, Andra Day, Tori Kelly, at country group na Little Big Town sa isang production number na magsisilbing tribute sa musika ng Bee Gees at ika-40 anibersaryo ng Saturday Night Ever.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nauna nang inihayag na magtatanghal din sa Grammy sina Adele, Bruno Mars, the Weeknd, Daft Punk, A Tribe Called Quest, at Alicia keys. (AP)