SARIAYA, Quezon – Namatay ang isang empleyado na nalunod matapos na mahulog mula sa barkong nakadaong sa Tayabas Bay sa Barangay Talaan sa Sariaya, Quezon, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Gen Ren Li Lampa II, 23, binata, empleyado ng World Granary, Inc. at taga-Baseco, Mariveles, Bataan.

Bandang 6:00 ng umaga nang matagpuan ang lumulutang na bangkay ng biktima ng katrabaho niyang si Raymundo Lubayan, na noon ay kalalabas lang sa MV Tensu Maru vessel.

Nagbibiyahe ng mga butil ang barko mula sa ibang bansa. (Danny J. Estacio)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?