BUENOS AIRES, Argentina — Maagang tinapos ng Italy ang pamamayagpag ng defending champion Argentina sa Davis Cup.

Ginapi ni Fabio Fognini si Guido Pella sa deciding singles 2-6, 4-6, 6-3, 6-4, 6-2, nitong Lunes (Martes sa Manila) para masibak ang Argentinian sa first round ng Davis Cup tie.

Ito ang ika-10 pagkakataon mula nang ibasura ang ‘challenge round’ noong 1972 na nasibak ang defending champion sa first round. Natikman ito ng Switzerland noong 2015.

Sumabak ang Argentina na wala si top player Juan Martin del Potro, nagdesisyon na magsanay para sa ATP Tour. Tanging sina Pella at Leonardo Mayer ang nalabing orihinal na player sa Argentina na nagwagi ng Davis Cup title nitong Disyembre.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naipanalo ng Italy ang dalawang singles match nitong Biyernes, ngunit nakabawi ang Argentina sa doubles nitong Sabado, gayundin sa first reverse singles nitong Linggo nang gapiin ni Carlos Berlocq si Paolo Lorenzi 4-6, 6-4, 6-1, 3-6, 6-3.

Makakaharap ng Italy ang Belgium sa quarterfinals sa Abril. Ang iba pang match-up ay Australia vs United States, France vs Britain, Serbia vs Spain.