SA kabila ng kanyang supermodel status, pinatunayan ni Cara Delevingne na hindi siya natatakot mag-iba ng itsura: biglaan mang putulan ang kanyang buhok. Ibinahagi rin ng 24-anyos sa PeopleStyle na may isa pa siyang pagbabago na matapang niyang niyayakap: ang pagtanda.
“Bring it on lines! I think lines are experience,” saad ni Delevingne. “Women should accept that aging is a beautiful thing, it’s part of life, it’s not something you should fight, but something you should embrace.”
At hindi lang siya basta-basta komportable sa wrinkles. Nakatuon ngayon si Delevingne, na pansamanatalang nagpahinga sa pagmomodelo noong 2015 dahil hindi niya gusto ang kanyang itsura, sa pagiging confident sa kanyang kutis.
Mababasa sa kanyang mga social media channel ang kanyang profile tagline na “embrace your weirdness” bilang mungkahi sa ibang tao na tanggapin ang kanilang sarili.
“It’s not about being weird. We’re all weird. It’s about being who you are and not trying to be anyone else,” aniya.
Para sa mukha ng Rimmel London, nangangahulugan ito ng pagiging simple sa paglalagay ng makeup. “I’m about (simplicity). For me, it’s always been about the eyes and brows.
Ang kanyang paboritong produkto? Scandal Eyes Liner ng Rimmel London. “I’m always down for a classic look: a really good cat eye [and] a beautiful red lip.”
At ang kanyang ritwal para sa sariling kutis: “Sometimes it’s so hard to wash my face and moisturize every morning and night! But I try as much as possible. I feel like it’s important to look after yourself.” - People.com