Nakatakas ang isang cosmetic surgeon sa ipinatupad na Oplan Tokhang ng mga tauhan ng Social Security System (SSS) at National Capital Region Office (NCRPO) matapos ipaaresto ng korte dahil sa umano’y kabiguang magbayad ng SSS remittances.
Wala na sa kanyang bahay nang puntahan ng mga awtoridad si Joel Mendez, presidente ng Weigh Less Derm Center ng No. 03 Pugo Street, Barangay Talipapa Novaliches, Quezon City.
Base sa record ng SSS, aabot sa P1.8 milyon ang hindi ni-remit ni Mendez mula 2011 hanggang sa kasalukuyang taon.
Nahaharap din si Mendez sa anim hanggang pitong taong pagkakakulong.
Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez, wala silang pipiliin sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng pinaigting na kampanya ng kasalukuyang administrasyon para palakasin ang koleksiyon ng ahensiya. (Jun Fabon)