Camille Prats Yambao copy

MARAMI ang natuwa sa post ni Camille Prats sa Instagram na may “baby on board” na sa kanyang sinapupunan, na itinuturo rin ng asawang si VJ Yambao at ng anak niyang si Nathan.

“Yes, our gift from above came via express! It was a surprise and we are happy! #SneakyBabe #YambaoBabyOnBoard.”

Madaling kumalat ang post ni Camille at agad nagkaroon ng 34,173 likes at maraming nagpaabot ng congratulations sa kanila ni VJ sa comments section. May nagsabi na sana raw ay Princess Sarah (girl, ang unang pelikulang ginawa niya) ang unang ibigay na baby sa kanila para may kapatid na si Prince Nathan.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ikinasal sina VJ at Camille noong January 7 sa kanilang Naomi Santuary Resort in Balete, Batangas. Matagal silang naging engaged, last year pa.

Kung may anak si Camille sa kanyang first husband na yumao, si VJ ay may anak din sa first girlfriend naman nito.

Patuloy pa rin si Camille sa kanyang hosting sa daily lifestyle show nila ni Suzy Entrata sa GMA News TV, ang Mars.

Nagulat ang kanyang @mars_gmanewstv family nang mag-taping sila last Wednesday ng kanyang announcement, na mapapanood sa February 7 episode ng show.

May contract pa rin sa GMA Network, nagsabi si Camille noon na puwede pa rin siyang gumawa ng teleserye. Malalaman natin kung tatanggap pa rin siya ng project sa GMA ngayong preggy na siya. (NORA CALERON)