CEBU CITY – Nasakote ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 7 ang nasa P1.2 milyon halaga ng shabu sa raid na nagresulta rin sa pagdakip sa isang 15-anyos na lalaki at anim na iba pa sa Cebu City.

Sumalakay ang mga tauhan ng NBI-7 sa Sitio Laurente, Barangay Tejero, Cebu City nitong Miyerkules ng hapon makaraang makumpirma sa surveillance operations na ilang sangkot sa droga sa lungsod ang nagtitipon noon sa lugar.

Sinabi ni Garry Lao, kagawad ng Bgy. Tejero na sumaksi sa raid, na nakakumpiska ng 100 gramo ng shabu at drug paraphernalia mula sa mga suspek.

Kabilang sa pitong dinakip ang isang 15-anyos na lalaki na nasamsaman ng isang medium-sized na pakete ng shabu, isang .38 caliber revolver at isang .22 caliber pistol.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang binatilyo. (Mars W. Mosqueda, Jr.)