Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:15 n.h. -- Star vs Mahindra

7 n.h. -- Rain or Shine vs Alaska

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

MANATILING nasa ikalawang puwesto para sa asam na twice-to-beat na insentibo papasok ng quarterfinals ang kapwa tangka ng Star at Alaska sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kapwa nasa ikalawang posisyon ang dalawang koponan na kasalukuyang hawak ang barahang 6-4, kasunod ng namumunong San Miguel Beer na may karta na 10-1.

Mauunang sasabak ang Hotshots na galing sa dalawang sunod na malaking panalo, pinakahuli kontra Meralco Bolts noong Enero 28, 120-73 sa pambungad na laban ganap na 4:15 ng hapon kontra sa sibak ng Mahindra.

Kasunod nito, sasabak ang Aces laban sa Rain or Shine Elasto Painters ganap na 7:00 ng gabi.

Target din ng Aces ang ikatlong sunod na panalo para patatagin ang kampanya sa susunod na round. (Marivic Awitan)