TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nasa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang umano’y big-time pusher na napatay sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 12 sa Purok San Roque, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Lunes ng hapon.

Positibong kinilala ng PDEA-12, sa pamumuno ni Director Gil Castro, ang napatay na si Ian Belmonte, nasa hustong gulang, at wala umanong permanenteng tirahan.

Ayon sa awtoridad, positibong nasa drugs watchlist si Belmonte.

Batay sa report ng Tacurong City Police, nakipagbarilan umano ang suspek sa mga awtoridad makaraang mabuking na poseur buyer ang kanyang katransaksiyon, na kaagad niyang pinaputukan ngunit hindi umano tinamaan.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

Nabaril naman ng back-up agent na si Joebane Labajo si Belmonte, na nasawi habang ginagamot sa ospital.

Narekober sa lugar ang isang homemade na baril na “de-dose” na may bala, dalawang basyo ng .45 caliber pistol, dalawang slug nito, tatlong maliliit na sachet ng hinihinalang shabu at isang humbo-sized sachet na may hinihinalang shabu rin, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P400,000.