SAO PAULO (AP) – Tatlo pang katao ang namatay sa yellow fever sa Brazil, at mahigit 100 kaso na ang naitala sa outbreak ng sakit.

Karamihan ng mga kaso ay sa timog silangang estado ng Minas Gerais, kung saan nakumpirma ang 97 kaso noong Biyernes, at 40 sa mga biktima ang namatay.

Sinabi ng Health Department nitong Lunes na anim na ang kumpirmadong kaso ng sakit, apat ang nahawa sa Minas Gerais. Lahat ng pasyente ay namatay. Nakapagtala rin ng isang kaso ang estadong Espirito Santo.

Sinabi ng World Health Organization na inaasahan nitong kakalat pa ang sakit na dala ng lamok sa mas maraming estado.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture