Magkasabay na dinampot ang dalawang lalaki na naging kahina-hinala umano ang kilos at galaw sa kasagsagan ng koronasyon ng 2016 Miss Universe 2016 sa SM Mall Of Asia (MOA) Arena sa Macapagal Avenue, Pasay City kahapon ng umaga.

Idiniretso sa command center ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang lalaki na kinilalang sina Hansel Hayag at Jonathan Gutierrez.

Base sa imbestigasyon, paikut-ikot sa lugar sina Hayag at Gutierrez at nakumpiska sa kanila ang isang wig.

Ikinatwiran ni Hayag na nagbakasakali lamang siyang makapasok sa venue kaya naglibut-libot siya sa paligid.

Doble hinagpis: Karo ng patay sinalpok ng 14-wheeler truck sa Cavite

Wala namang maipakitang identification (ID) card si Gutierrez, na iginiit na napadaan lang sa MOA Arena bago kumuha ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance. (Bella Gamotea)