KINUMPIRMA ni dating boxing pound-for-pound king at five-division world champion Floyd Mayweather Jr. na magbabalik lamang siya sa ibabaw ng lonang parisukat kung makakaharap si UFC (Ultimate Fighting Championship) superstar Connor McGregor sa boksing.

May negosasyon ngayon sina Mayweather at McGregor para magsagupa sa welterweight o super welterweight division at wala nang problema dahil may lisensiya na sa boksing ang Irish fighter.

Ang tanging suliranin na nakikita ng mga boxing analyst ay ang kontrata ni McGregor sa UFC dahil papayag lamang si UFC President Dana White sa laban kung nakasawsaw ito sa promosyon.

Nais ni Mayweather na sirain ang rekord ni dating undisputed heavyweight champion na Amerikano ring si yumao nang Rocky Marciano na perpektong 49 panalo na napatayan niya sa pagwawagi sa 12-round unanimous decision kay Haitian Andre Berto sa Las Vegas, Nevada noong Setyembre 2015.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Most likely the fight between me and Connor McGregor will happen," sabi ni Mayweather sa Sky Sports . "I don't know (when it will be), I need to communicate with my team, the fight hasn't been made yet, but it is all about entertainment so hopefully we can make it happen."

Tumanggi siya sa mga ulat ng rematch kay eight-division world titlist Manny Pacquiao na tinalo niya sa puntos noong Mayo 2, 2015 sa Las Vegas, Nevada bagama’t may pinsala sa balikat ang Pinoy boxer.

"[McGregor is] the only fight that will get me back in the ring. He's going to do a job on his side and we are going to do a job on my side and hopefully all the fans in the UK come over and support me," dagdag ni Mayweather.

(Gilbert Espeña)