Nasagip ang 47 menor de edad habang 20 katao naman ang inaresto sa “One-Time, Big-Time” operation ng Las Piñas City Police simula noong Biyernes hanggang kahapon ng madaling araw.

Nakatakdang isailalim sa counseling ng ang 47 kabataan na na-rescue sa lansangan matapos i-turn over ng awtoridad sa Department of Social Welfare and Development.

Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang 20 indibiduwal, kabilang ang isang drug suspect na nahulihan ng 20 pirasong sachet ng hinihinalang droga; tatlong katao na nakumpiskahan ng apat na sumpak; 11 katao na inaresto sa bisa ng warrant of arrest; at limang lalaki dahil sa pag-inom ng alak habang nakahubad-baro sa pampublikong lugar.

Bukod dito, aabot din sa 13 motorsiklo ang kinumpiska ng awtoridad dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Bella Gamotea)