CABANATUAN CITY - Siyam sa drug personalities, kabilang ang isang magkapatid na babae, ang nasakote ng pulisya nitong Biyernes ng hapon, sa isang apartment na ginawa umanong shabu den sa Barangay Barrera sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, kinilala ang mga naaresto na si Ma. Ana Carrasco Maranan, 46; at kapatid nitong si Ma. Adoracion Carrasco Maranan, 53, ng Maranan Apartment, Purok Masikap sa Bgy. Barrera, na nakumpiskahan umano ng 23 sachet ng hinihinalang shabu.

Kasama sa naaresto sa apartment unit ni Adoracion sina Lamberto De Luna Santiago, 43, ng Bgy. Gulod, Talavera; Lauro de Jesus Domingo, 26; at Ronnie Benedicto Macapagal, 29, kapwa taga-Bgy. Umangan, Aliaga; Ernie Manganon Alfonso, 40, ng Bgy. Pinagpanaan, Talavera; Benson Alcantara Calimquim, 27, ng Bgy. Rang-ayan, Science City of Muñoz; Bernardo Melandrez Beltran, 27, ng Bgy. Saranay, Guimba; at Cornelio Basa Reyes, 55, ng Bgy. Barrera, Cabanatuan City.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay