Sinibak bilang hepe ng Caloocan Police Station si Police Senior Supt. Johnson Almazan kaugnay ng vigilante killings sa lungsod.

Ayon sa ilang opisyal, ang nasabing desisyon ay nanggaling mismo kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at ito’y epektibo Martes ng umaga.

Nag-ugat ito sa pagkakapatay ng pitong katao, limang menor de edad ang nadamay, sa North Caloocan City.

Naupo bilang hepe si Almazan noong Hulyo 2016 upang humalili kay Police Sr. Supt. Bartolome Bustamante.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pansamantala namang hahalili kay Almazan si Police Supt. Ferdie Del Rosario bilang officer-in-charge ng Caloocan Police Station. (ORLY L. BARCALA)