Dalawang katao ang itinumba ng hinihinalang vigilante group sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, ang isa sa mga biktima na si Jhon Dela Cruz, 16, mangingisda ng No. 579 C-4, Road, Barangay Bagong Bayan, North ng nasabing lungsod at ang isa nama’y hindi pa nakikilala na tinatayang nasa edad 20-25, blonde ang buhok, may tattoo sa kaliwang kamay, nakasuot ng puting sando, at checkered shorts.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Dela Cruz, bandang 12:20 ng madaling araw, nakatayo sila ng biktima sa labas ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang lalaki na nakasuot ng gray na jacket at walang sabi-sabing pinagbabaril ang kanyang kuya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, dakong 1:20 ng madaling araw, natagpuan naman ng mga barangay tanod ang bangkay ng isang lalaki sa Phase 1-C, Sawata, Bgy. NBBS, Navotas City.

Ayon sa Scene on the Crime Operatives (SOCO), may tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang awtoridad. (Orly L. Barcala)