SANTA IGNACIA, Tarlac - Lima sa sampung menor de edad ang inaresto ng pulisya matapos nilang pagbabatuhin ang siyam na behikulo sa highway ng Barangay Baldios, Vargas, Sta. Ines at Padapada sa Santa Ignacia, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Ang pambabato ng grupo ng mga menor de edad ay ay ini-report sa pulisya ni Mayor Nora Modomo, at naaresto ang apat na lalaki, edad 11, 14, 12 at 19; at isang 15-anyos na babae.

Nakatakas naman ang apat pang binatilyo, edad 11, 12, 13, 14 at 15, pawang taga-Bgy. Sta. Ines sa Santa Ignacia.

Pinagbabato umano ng grupo ang isang Mitsubishi Montero, dalawang Isuzu DMax pick-up, dalawang pampasaherong First North Luzon bus, isang Isuzu 10-wheeler truck, isa pang Isuzu truck, isang DPS truck, at isang Rebuilt truck.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Leandro Alborote)