Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:15 n.h. -- Mahindra vs NLEX

7 n.g. -- Phoenix vs Alaska

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

MAY liwanag na natatanaw ang Phoenix para sa kampanyang maabot ang minimithing pedestal. Kaya’t asahan ang todong arangkada ng Fuel Masters sa pakikipagtuos sa Alaska sa krusyal na laro ng double header sa OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa Cuneta Atrodome.

Kasalukuyang nasa sosyong No.2 kasama ang Talk ‘N Text Katropa, target ng Phoenix na masungkit ang ikapitong panalo at patatagin ang kampanyang makahirit ng bentahe sa playoff.

Nangunguna ang defending champion San Miguel Beer na may 9-1 karta.

Magtutuos ang Phoenix at ang Alaska ganap na 7:00 ng gabi kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Mahindra at NLEX ganap na 4:15 ng hapon.

“We were able to proved that we can defend and I hope we can execute well again,” pahayag ni Fuel Masters coach Ariel Vanguardia patungkol sa 79-73 panalo sa Barangay Ginebra.

Para sa Aces (5-4), may tsansa pa sila para sa twice-to-beat na bentahe sa playoff round. (Marivic Awitan)