DAVAO CITY — Pinatay ng New People’s Army (NPA), bilang parte ng sarili nilang pakikidigma sa ilegal na droga, ang isa sa mga miyembro ng paramilitary at isang hinihinalang supplier ng droga sa Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Davao City.
Sa isang pahayag na may petsang Enero 25, kinumpirma ni NPA Southern Mindanao regional spokesperson Rigoberto Sanchez na pinatay ng NPA sina Alberto T. Sablada at Neptali Alfredo Pondoc sa magkahiwalay na operasyon noong Enero 16 at 23, ayon sa pagkakasunod.
Pinatay ng NPA si Sablada noong hapon ng Enero 16 sa Barangay Saloy sa Calinan, habang si Pondoc ay pinaslang sa kanyang “farm-turned-drug den” sa Taboan, Malabog, sa Paquibato District.
Ayon sa NPA, si Sablada ay organizer ng Alamara militia, na lumalabag sa human right violations laban sa mga magsasaka sa rehiyon, na umano’y parte ng counter-insurgency campaign ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isa rin umano si Sablada sa mga salarin sa pagpatay noong Abril 15, 2002 kay Apolio “Tatay Poloy” Enoc at kina Rosha Icatan, Charles Bayanban, Edgar Bias, Jaimae Daculo at Warlito Bayanban sa Sitio Pangyan, Tamugan, Marilog district, ayon kay Sanchez.
Samantala, si Pondoc naman umano ang nagsu-supply ng droga sa AFP detachments, partikular na sa Diwalwal, Compostela Valley; Panabo sa Davao del Norte; at Paquibato at Calinan sa Davao City.
“His farm, in fact, sits in between two AFP detachments in Sitio Binaton and Sitio 24 and supplies drugs to CAFGUs and cadre man of both detachments,” ayon sa NPA. (Yas D. Ocampo)