Tatanggap ng P100,000 ang bawat sentenaryong residente ng Quezon City.

Iniulat ni Ares Gutierrez ng QC Public Affairs na nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang City Ordinance SP-2542, S-2016 na inakda ni Councilor Roger Juan para itaas sa P100,000 mula sa P10,000 ang regalo sa mamayan ng lungsod na tumuntong sa 100 taong gulang pataas.

Sa tala ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), mayroong 126 centenarian ang naninirahan sa Quezon City at 102 kanila ay mga babae. Ang pinakamatandang taga-QC ay si Salamah Guiama Shalik, 109, ng Barangay Culiat. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter