SAN JOSE, Batangas - Patay ang isang barangay tanod habang sugatan naman ang kasamahan niya matapos na sumabog ang isang granada sa parking area ng isang sabungan sa San Jose, Batangas.

Dead on arrival sa San Jose District Hospital si Jeffrey Magtaas, 33, tanod ng Barangay Aguila, habang ligtas na makaraang lapatan ng lunas si Ben Hidalgo, 50, kasamahang tanod ni Magtaas.

Ayon sa report ni PO2 Michael Darwin Coliat, dakong 10:50 ng gabi nitong Martes nang sumabog ang granada sa parking area ng San Jose Cockpit Arena, kung saan nakabantay sina Magtaas at Hidalgo.

Dahil sa lakas ng pagsabog, napinsala nito ang limang sasakyan sa lugar, kabilang ang isang Toyota Corolla (WAG-359), owner-type jeepney (DJB-634), Suzuki Celerio (UOK-275), Suzuki Swift (UE-8977), at Kawasaki motorcycle (VK-4453). (Lyka Manalo)

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto