Nanganib ang buhay ng isang binata matapos pagtulungang gulpihin at saksakin ng walong lalaki makaraang magwala ang una nang sabihang panget ang kanyang kasintahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nagpapagaling na sa ospital si Edmary Macaraeg, 18, ng No. 14 San Miguel Street, Sangandaan, Caloocan City, na nagtamo ng mga saksak sa katawan at mga pasa sa mukha.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Dandee Bernal, 30; Ronnie Abadico, 21; Mico Tayoto, 20; Renen Gonzales, 18; Arvin Abadici, 22; Renato Gonzales, 20; Ernesto Gagabat, 29 at isang 17-anyos, pawang residente ng Barangay Longos, Malabon City.

Sa report ni SPO1 Rolando Hernando, bandang 3:00 ng madaling araw, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang nobya at dalawa nilang kaibigan sa kahabaan ng Pampano Street, corner C-4 Road, Bgy. Longos.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Nakasalubong umano nina Macaraeg ang walong biktima at isa umano sa mga ito ang nagsabing “hindi naman maganda ‘yung girl eh, pangit naman.”

Hindi umano nagustuhan ni Macaraeg ang tinuran ng isa sa mga suspek kaya kinumpronta niya ito na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa humantong sa panggugulpi at pananaksak ng mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide ang mga suspek. (ORLY BARCALA)