SAN FERNANDO CITY, La Union – Nag-iimbestiga ang Commission on Human Rights (CHR)-Region 1 sa 75 umanong extrajudicial killing (EJK) na isinagawa kasabay ng maigting at kontrobersiyal na drug war ng gobyerno.

Sinabi ni Omir Cacho, chief investigator ng CHR-1, na inaasahan nilang mareresolba ang ilan sa mga kaso sa unang quarter ng taong ito.

“We already conducted initial investigation on all the 75 cases but the information we have gathered is not enough.

But we are not closing the door because we expect that witnesses will come out to relay information to us against these killings,” sabi ni Cacho.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Cacho, karamihan sa mga iniulat na EJK sa rehiyon ay nangyari sa Pangasinan at La Union, habang pinakakaunti naman ang kaso sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Aniya, bagamat walang pulis sa rehiyon na itinuturong sangkot sa EJK, tinitingnan pa rin nila ang posibilidad na sangkot ang mga ito sa mga buy-bust operation, kung saan napapatay ng mga pulis ang umano’y nanlalaban.

(Erwin G. Beleo)