SAO PAULO (AP) – Iniutos ng Ministry of Health ng Brazil ang pagbili ng 11.5 milyong dose ng yellow fever vaccine upang idagdag sa imbak nito sa gitna ng pinakamalaking outbreak ng sakit sa bansa simula 2000.

Sinabi ni Ministry official Eduardo Hage sa news conference noong Miyerkules na tinatayang 5.5 milyong ng mga dose na ito ang naipadala na sa limang estado na nakumpirmang mayroong kaso o nanganganib sa sakit.

Pitumpong kaso na yellow fever ang nakumpirma nitong tag-araw, at 40 ang namatay. Mayroon pang mahigit 300 kaso na iniimbestigahan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'