KYLIE ALJUR copy

SA kasalan mauuwi ang relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padila.

In-announce ng Vidanes Celebrity Marketing ang engagement ng dalawa. Maikli lang ang announcement na nagsasabing, “Vidanes Celebrity Marketing would like to announce to the great public the engagement of Ms. Kylie Padilla and Mr. Aljur Abrenica.”

Nag-post sa Instagram si Kylie ng picture na magkayakap sila ni Aljur na nilagyan niya ng caption na, “I know these past days have been rough but I can’t wait for the day people get to know you like I know you. Can’t wait to share how it happened, I’m just happy I am sharing it with you.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Wala pang sinabi kung kailan ikakasal sina Kylie at Aljur, puwedeng bago siya manganak at puwede ring pagkatapos. Ang importante, may pamilyang buo ang kanilang magiging panganay na anak.

Nagulat ang mga nakakita sa picture nina Kylie at Aljur dahil malaki na ang tiyan ng aktres. Sabagay, mag-aapat na buwan na ang ipinagbubuntis niya, kaya lumalaki na talaga ang tiyan niya.

Samantala, may nag-spoiler at nag-post ng picture ni Kylie sa taping ng Encantadia na patay na ang karakter niyang si Reyna Amihan at iniiyakan ng mga taga-Lireo.

Tuloy na nga kung ganoon ang pagkawala ni Kylie sa fantaserye. (NITZ MIRALLES)