Pinagaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga panuntunan sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang delegado sa Association of Southeast Nations (ASEAN) summit.

Ang Pilipinas ang host at chair ng ASEAN summit ngayong taon, na kinabibilangan ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, at Brunei.

Sa inilabas na memorandum ni Immigration Commissioner Jaime Morente, inalis ng BI ang anim na buwang panuntunan sa bisa ng pasaporte ng delegado sa ASEAN summit at hindi na rin nila kailangang kumuha ng return o outbound plane ticket, na requirement sa mga dayuhang turista. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal