SANTA ANA, Cagayan – Patay ang consultant ni Santa Ana Mayor Darwin Tobias matapos pagbabarilin ng dalawang armadong sakay sa motorsiklo nitong Sabado ng umaga.
Sa report ng isang lokal na himpilan ng radyo sa Cagayan, nakilala ang biktimang si Oscar Oñate.
Sa panayam kay Chief Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Santa Ana Police, patungo si Oñate sa quarry site sa Barangay Visitacion nang sundan ng mga suspek.
Sinabi pa ng ilang testigo na nakausap pa ng biktima ang isa sa mga salarin bago ito pinagbabaril.
(Liezle Basa Iñigo)