coco copy

AGAD tinuldukan ni Coco Martin ang posibilidad ng pagtakbo bilang presidente ng actors guild sa kabila ng panghihikayat sa kanya ng dati nitong pangulo na si Rez Cortez.

“Opo, (ayoko),” bungad niya, at ang kanyang dahilan ay, “natatakot ako kasi baka hindi pa po ako handa. Kilala ko ang sarili ko, eh, hindi ko papasukin ang isang bagay kung wala talaga akong magagaw.

“Sabi ko, siguro kung alam kong reding-ready na ako at malaki ang maitutulong ko sa pagbabago, pero sa ngayon ang hangarin ko tumulong sa kapwa.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

“ Sa ganitong pamamaraan, magkaroon tayo ng chance na makatulong.sa ating mga kapwa artista, kasi alam ko na napakalaking responsibilidad ang maging pangulo ng actors guild. Ang magagawa ko lang po siguro sa ngayon ay sumuporta sa anumang proyekto na involve ang mga kasamahan sa industriya,” maayos na pahayag ni Coco.

Inalala niya ang paglapit sa kanya ni Rez para hikayating pumalit dito bilang pangulo ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino ng Pelikula at Telebisyon (KAPPT).

“Noong una po, kinausap ako ni Tito Rez Cortez, sabi niyang ganu’n, ‘Alam mo sa nakikita ko ngayon, ikaw ‘yung pinaka-concern sa industry lalung-lalo na sa mga kasamahang artista’. Siguro nakikita n’ya ako sa set kung paano ko alagaan ‘yung mga staff ko at mga katrabaho kong artista. ‘Tapos sabi kong ganu’n, ‘Tito Rez, pag-iisipan ko munang mabuti’.”

Natatandaan niya nang imbitahan niya si Rez sa premiere night ng The Super Parental Guardians.

“No’ng magkaroon ng dinner after the movie, nilapitan po niya si Tita Cory (Vidanes), kinausap niya na gusto nila akong patakbuhing presidente. ‘Tapos kinausap ako ni Tita Cory, tinanong n’ya po ako, sabi ko natatakot po ako. Sabi kong ganu’n, ‘’Pag pinuntahan ko ‘yan, definitely baka marami akong makabangga, makaaway...’ kasi kilala ko ‘yong sarili ko, eh. Maaaring bata ako sa paningin ng iba pero, sabi ko, kung tatakbo ako sa isang posisyon at least alam ko ang gagawin ko.

“Sabi ko kay Tito Rez, gusto kong tulungan ‘yong mga artistang gustong magkaroon ng second chance, doon muna ako.

‘Yun muna ang nakikita kong magagawa ko sa ngayon,” ani Coco.

Matagal nang ginagawa ni Coco ito, may publicity man o wala. Katunayan, lately lang napansin na bawat linggo ay may mga datihang artista na napapanood sa top-rating serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano. (ADOR SALUTA)