carrion copy

MAGSISILBING chef de mission ng Team Philippines na sasabak sa 2017 Southeast Asian game sa Kuala Lumpur, Malaysia si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion.

Ipinahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) first vice president Jose ‘Joey’ Romasanta ang pagkakapili kay Carrion matapos ang isinagawang Executive Board meeting ng Olympic body nitong Biyernes.

Kabilang ang pagpili sa mga chef de mission sa pagsabak ng atletang Pinoy sa iba’t ibang international tournament sa mga napagdesisyon sa kauna-unahang pagpupulong ng mga nahalal na board member ng POC, sa pangunguna ni re-elected president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Magiging magaan ang gawain kay Carrion dahil nagsilbi rin siyang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.

Napili naman si POC treasurer Julian Camacho bilang chef de mission para sa 2018 Asian Games sa Indonesia, habang si POC auditor Jonne Go ang chef de mission para sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.