Andrea2 copy

MATAGAL nag-trending ang episode ng Alyas Robin Hood last Friday na #GisingVenus na pangalan ng karakter ni Andrea Torres. 

Apektado ang viewers ng action series na wala sa normal na pag-iisip ang karakter ni Andrea dahil sa mind conditioning. Ang request nila kay Direk Dominic Zapata at sa mga writer, huwag nang patagalin ang ganu’ng estado ng aktres.

Pero dahil sa feedback at mataas na ratings, baka ilang episode pang mapanood na parang zombie si Andrea at gusto pa ngang patayin si Pepe (Dingdong Dantes). Ibig sabihin, mas marami sa viewers ang gusto na parang wala sa katinuan si Venus dahil muli itong gumagawa ng action scenes at may fight scene pa nga.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Gusto ng mga sumusubaybay sa Alyas Robin Hood na hindi lang si Dingdong at mga kalaban ng aktor ang gumagawa ng action scene, type rin nilang sumasabay sa kanila si Andrea. Gaya last Friday, may habulan pa sa bubong sina Andrea at Dingdong at nagustuhan ‘yun ng viewers.

More action scenes pa ang mapapanood sa mga susunod na episodes, kaya huwag bibitaw sa panonood or else... mapag-iiwanan kayo. Ang hirap, hindi makapag-comment at hindi makasabay sa Twitter.

Anyway, sana makabisita uli kami sa taping ngAlyas Robin Hood para matanong si Andrea sa itinu-tweet niyang cryptic messages. Para kanino ba ‘yun? Sa sinasabing ex-oyfriend ba niyang si Sef Cadayona o sa girl na nali-link kay Sef?

(Nitz Miralles)