Ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na nagkakaloob ng amnestiya sa pagbabayad ng buwis sa mga ari-arian o estate taxes.

Pinangunahan ni Rep. Dakila Carlo Cua (Lone District, Quirino), chairman ng komite, ang pag-aapruba sa panukala na ipinalit sa House Bill 1889 na inakda ni Rep. Arthur Defensor Jr. (3rd District, Iloilo) at HB 3010 ni Deputy Speaker at Marikina City Second District Rep. Romero “Miro” Quimbo.

May titulong “An Act Granting Amnesty in Estate Tax”, layunin nitong mapalakas ang koleksiyon ng buwis sa pagbibigay ng pagkakataon sa taxpayer na maayos ang mga hindi nababayarang buwis (unsettled estate taxes). (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji