Kasalukuyang nakararanas ng kakulangan ng traffic enforcers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“We are in dire need of field personnel to be deployed in all of the major roads in Metro Manila. We are spreading ourselves thin, so to speak, just to cope with the requirements to fully man and supervise traffic on the streets,” ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos.

Ayon kay Orbos, sinimulan na niyang gumawa ng inventory at pumili ng mga tao na maaaring ipakalat sa kalsada upang manduhan ang trapiko.

Sa ngayon, mayroon lamang 2,368 traffic enforcer ang MMDA. Ang mga ito ay ipinakakalat sa 197 kilometro ng pangunahing kalsada sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa kay Orbos, aabot pa sa 10,000 traffic enforcer ang kinakailangan para sa 1,000 road intersection sa Metro Manila, at 576 sa mga ito ay walang traffic signals.

Bukod sa mga tauhan ng ahensiya, sinabi ni Orbos na marami mula sa pribadong sektor ang nag-alok ng tulong sa pagkakaloob ng mga volunteer at communications equipment. (Anna Liza Villas-Alavaren)