PRANGKAHANG inamin ni Ritz Azul na sa edad na 23 ay never pa niyang naranasan na magkaroon ng boyfriend. Ang katwiran ng dalaga, natatakot siyang masaktan.

“Sa totoo lang naman, ‘yung masaktan ako ang kinakatakutan ko kaya ayoko muna. Natatakot talaga ako, sa edad kong 23 parang masyado akong naging choosy,” napangiting banggit ng Kapamilya actress.

Ang isa ng dahilan, mas binigyan niya ng prayoridad ang showbiz career niya.

“Mas iniisip ko ‘yung future na sayang naman, di ba? Kasi siguro naman, eh, makakapaghintay naman din ‘yun at saka darating din ang tamang panahon para sa mga ganu’n,” sabi ni Ritz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero naniniwala ang dalaga na hindi na magiging sagabal sa trabaho niya bilang aktres kung sakali mang magkaroon na siya ng boyfriend ngayon.

At depende pa rin naman daw ‘yun sa magiging karelasyon niya.

“Sa akin kasi, mas hinihintay ko ‘yung panahon na ang magsabi o magtakda ng oras para sa akin sa bagay na ‘yan. Kasi, sa totoo lang naman, sa tingin ko sa ngayon, eh, mas focused muna ako sa dapat kong gawin,” sambit pa ng magandang dalaga.

Malapit nang mapanood si Ritz sa teleserye ng ABS-CBN na The Promise of Forever na pinagbibidahan nila ni Paulo Avelino. (JIMI ESCALA)