Isang practice teacher ang natagpuang patay, may dalawang tama ng bala sa ulo at tadtad ng paso ng sigarilyo sa maseselang bahagi ng katawan, sa isang talahiban sa Bangued, Abra,iniulat ng pulisya kahapon.
Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya ni Criza Libuen, 23, practice teacher at estudyante ng Abra State Institute of Science and Technology, tubong Tineg at residente ng Barangay Bangbangar, Bangued.
Natagpuan ang bangkay ni Libuen malapit sa Calaba River sa Bgy. San Antonio.
Ayon kay Senior Insp. Grace Marron, information officer ng Abra Police Provincial Office, huling nakitang buhay si Libuen habang nakikipag-inuman.
Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa ang biktima. (Fer Taboy)