PINAGHALONG beterano at mga baguhan ang isasabak ng World Archery Philippines sa Southeast Asian Archery Championships na gaganapin sa Myanmar simula ngayon.

Sa panayam ng DZSR Sports Radio, sinabi ng WAP na target nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagito na maipakita ang kanilang talento at ma-expose sa international competition.

Katunayan, ginagawa na rin aniya nila ang ganitong paghahalo sa mga beterano at baguhan sa mga local evaluation tournaments na kanilang idinaraos.

Kabilang sa mga isasabak nila sa Recurved event sina Youth Olympic gold medalist Gabriel Moreno, ang beteranong si Flor Mayan, ang 9th placer sa nakaraang World Cup na si Kareel Hongitan at mga baguhang sins Syd Fraginald, Allen Raquipo, Mary Queen Ybañez at Nicole Table.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Para naman sa Compound event, sasalang bilang mga kinatawan ng bansa sina Asian Games bronze medal winner Paul de la Cruz, dating Olympians Jennifer Chan at Rachel de La Cruz, Andrea Robles at mga baguhamg sina Joseph Bago at Niron Concepción.

Nakatakda silang gabayan ng mga national coaches na sina Clint Sayo at Purita Joy Marino.

Samantala, sinabi ni WAP president Atty. Clint Aranas na gagamitin nila ang nasabing torneo bilang tune-up para sa darating na Southeast Asian Games sa Agosto na gaganapin naman sa Kuala Lumpur, Malaysia. (Marivic Awitan)