Sa halip na batikusin ang nagpapatuloy na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga at mgfa krimeng dulot nito, nagdesisyon ang European Union (EU) na mag-alok ng ayuda sa rehabilitasyon ng mga tulak at adik bilang suporta sa kontrobersiyal na kampanya ng Pangulo.

Ayon kay EU Ambassador to Manila Franz Jessen, pinag-aaralan ngayon ng EU ang posibilidad na ilipat ang pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas sa rehabilitasyon ng mga lulong sa droga.

“We are trying to see if we should change the funding and focus more on the drug issue which is a key project for the government,” sinabi ni Jessen sa isang panayam sa sidelines ng paglulunsad ng librong “Ties That Bind: Celebrating 25 years of EU in the Philippines” na ginanap kamakailan sa isang hotel sa Makati City. “It’s a question of a change in funds within the health sector towards the drug issue.”

Sinabi ni Jessen na nakikipagtulungan na ngayon ang EU sa Department of Health (DoH) upang matukoy kung ano ang pinakamainam na paraan upang masuportahan ang pagtiyak ng gobyerno na maisasailalim sa gamutan ang mga adik sa bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang minura rin ni Pangulong Duterte ang EU noong nakaraang taon matapos na kondenahin ng huli ang “current wave of extrajudicial executions and killings in the Philippines.” (Roy C. Mabasa)