SYDNEY (AP) — Napigilan ni Luxembourg veteran Gilles Muller ang all-Britain singles sweep sa Sydney International nang gapiin si Daniel Evans 7-6 (5), 6-2 sa men’s final nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nakamit ng 33-anyos na si Muller ang unang ATP title sa anim na pagtatangka sa final match. Bago ito at bilang No.34, siya ang highest-ranked player sa ATP Tour na hindi pa nakakatikim ng kampeonato.

Sa women’s side, nakamit ni Sydney-born Johanna Konta ng Britain ang kampeonato kontra Agnieszka Radwanska nitong Biyernes.

May 16 na taon nang naglalaro sa Tour si Muller at may kabuuang 260 match bago ang naturang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod nito, hindi niya napigilan ang maluha nang tangapin ang tropeo sa presentation ceremony.

“It just means so much to win for the first time in front of my boys and my wife,” pahayag ni Muller. “It’s been a great ride so far ... what a night.”

Napagwagihan ni Muller ang premyong $78,000 at ranking point na inaasahang maglalagay sa kanya sa top 30 sa kauna-unahang pagkakataon.

Mapapalaban siya kay American Taylor Fritz sa first round ng Australian Open.