OMAHA, Nebraska (AP) – Nag-ambag ng limang puntos, kabilang ang three-pointer si Pinoy sensation Kobe Paras sa magaan na panalo ng No. 8 Creightonkontra Division II Truman State Bulldogs, 101-69, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nanguna si Marcus Foster sa Bluejays sa natipang 21 puntos mula sa 9 of 11 shooting.

Kumana naman ng double-double –14 puntos at 10 rebound – si Justin Patton, habang tumipa si Cole Huff ng 10 puntos.

Umiskor ang lahat ng 13 player ng Creighton at ang naiambag ng 18-anyos na si Paras ang pinakamatikas niyang laro sa kasalukuyan sa NCAA at sa ika-17 panalo ng Bluejays.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sunod na haharapin ng Creighton ang No. 15 Xavier.