SA wakas, nabiyayaan din ang dalawang milyong (2 million) pensiyonado ng Social Security System (SSS) nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng P2,000 SSS pension increase noong Martes. Isa ito sa pangako noon ni candidate Duterte matapos i-veto ni ex-Pres. Noynoy Aquino ang panukalang batas na kapwa pinagtibay na ng Kamara at Senado.

Dahil dito, hindi ibinoto ng mga tao ang “bata” ni Noynoy na si ex-DILG Sec. Mar Roxas at itinapon siya sa kangkungan kasama ang ibinasurang P2,000 pension hike ng dating presidente. Ang pinili ng mga tao ay ang palamurang alkalde ng Davao City. Noong una ay atubili rin si Mano Digong na aprubahan ang dagdag na pensiyon ng mga retirado dahil pinadalhan siya ng memo ng tatlong economic manager—Budget Sec. Benjamin Diokno, Finance Sec. Carlos “Sonny” Dominguez, at NEDA administrator Ernesto Pena. Mababangkarote raw ang SSS kapag ibinigay ang pension hike. Itinuloy din ng presidente ang pagkakaloob nito.

Ang unang P1,000 ay madadagdag sa buwanang pensiyon ngayon buwan, pero epektibo lang sa susunod na buwan (Pebrero).

Ang ikalawang P1,000 ay ipagkakaloob sa mga matatanda, este retirado, sa 2022. Sabi ng isang kaibigan na lagi kong kasama sa pagkakape matapos ang araw-araw na jogging sa umaga: “Buhay pa kaya tayo sa 2022?”. Sabad naman ng isa pa:”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sana ay ipagkaloob ito ng mas maaga upang maipambili ng gamot natin upang marami pang kape ang ating maiinom.”

Sa pagsisimula ng Taon ng Tandang (Year of the Rooster), dalawang matinding isyu tungkol kay President Rody ang lumutang. Una, ang hinggil sa umano’y “ouster plot” na isinusulong umano ng mga “dilawan” na hindi raw matanggap ang pagkatalo noong May 2016 election.

Ang planong pagpapatalsik sa kanya ay kaugnay din daw ng “LeniLeaks” na rito ay isinasangkot si Vice Pres. Leni Robredo. Tahasan itong itinanggi ni beautiful Leni sa pagsasabing wala siyang interes na matanggal si PDu30 sa puwesto sapagkat siya ay halal ng bayan. Ang paratang ay itinanggi rin ng Fil-Am na si Loida Nicolas-Lewis, isang multi-millionaire na naninirahan sa US, na sinasabing pasimuno sa ouster plot versus Mano Digong.

Sabi nga ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Mahirap paniwalaan ang bintang laban kay VP Leni. Hindi siya ganoon ka-ambisyosa. Noon ngang May 2016 election, atubili siyang tumakbo bilang VP ni Mar Roxas sa kabila ng panliligaw ni Noynoy at Mar. Ang nais niya ay manatiling kongresista sa Camarines Sur at pagsilbihan ang mga kababayan na pinagsilbihan ng yumaong ginoo.”

Pahayag naman ni Fil-Am Loida Nicolas-Lewis: “Pinabubulaanan kong sangkot ako sa ouster plot laban sa Pangulo. Hindi totoo ang sinabi ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II na tumira sa akin sina VP Leni at Sen. Leila de Lima nang magtungo sila sa US. Wala akong kontak sa kanila”. Dagdag pa niya: “ Ako’y nanawagan na mag-resign siya matapos amining hindi nalutas ang drug problem sa loob ng anim na buwan.”

Matatandaang paulit-ulit na sinabi noon ni candidate Duterte na pupuksain niya ang illegal drugs sa Pilipinas sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Kung hindi raw niya ito matutupad, handa siyang magbitiw at ibibigay ang poder sa Vice President. Pinagsabihan naman ni VP Leni si Aguirre na huwag magkalat ng kasinungalingan. Ibig sabihin nito, huwag mag-imbento ng mga istorya o impormasyon si Secretary of Hyperbole, este Sec. of Justice.

Samantala, nagsalita si Duterte tungkol sa kumakalat na planong pagpapatalsik: “ I wish them success.” Ito ba ay isang joke na naman, Mr. Aguirre o isa uling hyperbole?”. Tinawag naman ni DFA Sec. Perfecto Yasay, Jr. ang coup plotters bilang mga traydor sa bayan! (Bert de Guzman)