MARAGONDON, Cavite – Masusi ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa brutal na pagkamatay ng isang mag-asawang matanda sa loob ng bahay ng mga ito sa Barangay Garita-A sa Maragondon, Cavite, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Senior Supt. Arthur Velasco Bisnar, Cavite Police Provincial Office (PPO) acting director, na may mga suspek na sila sa kaso, ngunit hindi muna nila papangalanan ang mga ito.

Pagnanakaw ang tinitingnan ng Maragondon Police na motibo sa pamamaslang kina Bienvinido Linis Muncal, 70, retiradong kawani; at Cecilia Fello Muncal, 68, retiradong guro.

Ayon kay PO2 Teddy C. Labampa, ang mag-asawang matanda, na may mga saksak sa leeg, ay magkahiwalay na natagpuan sa loob ng kanilang bahay dakong 6:30 ng gabi nitong Huwebes.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Batay sa imbestigasyon, nasa dalawa hanggang tatlo ang suspek, at nangyari ang krimen sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon nitong Huwebes. (Anthony Giron)