SA picture na ito ni Gabbi Garcia na may suot na korona, bagay sa kanya ang maging beauty queen at marami sa followers/fans niya ang humihikayat sa aktres na sumali sa Bb. Pilipinas.
Ang wish pa nga ng followers/fans ni Gabbi ay maging representative siya ng Pilipinas sa Miss Universe.
Sa first interview pa lang namin kay Gabbi, nabanggit na niya na gusto niyang sumali sa beauty pageant. Inulit niya ito the last time we talked to her sa press visit namin sa Encantadia.
“Hindi nawawala sa isip ko ang sumali sa beauty pageant dahil isa rin sa dream ko ang maging beauty queen. Pero hindi pa ngayon, focus muna ako sa career ko dahil nabigyan na ako ng magagandang projects ng GMA-7. Gaya nitong Encantadia, big project ito sa akin dahil isa ako sa mga Sang’gre at ang laki ng opportunity sa akin na mapasama sa magagaling na cast,” sabi ng dalaga.
Patuloy ni Gabbi, bata pa naman siya. She’s only 18 years old at hanggang 25 years old pa puwedeng sumali sa beauty pageant. May seven years pa at puwede niyang isabay sa kanyang career ang paghahanda sa kanyang pagsali.
Samantala, nagpakita ng kahusayan sa fight scene si Gabbi sa Tuesday episode ng Encantadia. Bilang si Alena, mag-isa siyang nakipaglaban sa mga Hathor. Nalaman namin sa production na sa mga darating na episodes ng fantaserye, lalo pa tayong sosorpresahin ni Alena. (Nitz Miralles)