SEOUL (AFP) – Ginisa ng mga tanong ng prosecutors ang tagapagmana ng Samsung na si Lee Jae-Yong noong Huwebes matapos maging suspek sa corruption scandal ng na-impeach na si President Park Geun-Hye.

Isinalang sa pagtatanong ng special prosecutor si Lee, chairman ng Samsung Electronics at anak ni Samsung Group chairman Lee Kun-Hee, kaugnay sa mga alegasyon ng bribery o panunuhol. Inaakusahan din siyang nagkasala ng perjury sa parliamentary hearing noong nakaraang buwan sa eskandalo, iniulat ng Yonhap news agency.

Nakasentro ang eskandalo sa kaibigan ni Park na si Choi Soon-Sil, na inaakusahang nanghingi ng milyun-milyong dolyar na donasyon sa malalaking kumpanya para sa dalawang non-profit foundation. Ang Samsung ang pinakamalaking contributor sa mga foundation, sa 30 billion won ($25.28 million).

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'