Napatay sa drug operation ng pulisya ang dalawang pulis na AWOL (absent without official leave) makaraan umanong manlaban sa Davao del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report ng Davao del Norte Police Provincial Office (DNPPO), kinilala ang mga naaresto na sina SPO2 Norberto Amador at PO2 Nouie Gementiza, na umano’y nanlaban sa buy-bust operation.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu at mga armas. (Fer Taboy)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match