Patay ang isang lalaki na kilala umanong tulak ng ilegal na droga makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Taguig City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Jonathan Requil y De Jesus, 29, construction worker, ng Utility Block 7, Purok 13, Barangay South Daanghari ng nasabing lungsod, tubong Negros Oriental, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD)-Public Information Office, dakong 5:00 ng hapon nangyari ang pamamaril sa Purok 6C, Bgy. South Daanghari, Taguig City.

Nakatayo umano si Requil sa nasabing lugar nang sumulpot ang isang armadong lalaki at malapitan siyang pinagbabaril sa katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iniwan ng suspek na duguang nakabulagta ang biktima para tumakas sa hindi batid na direksiyon.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bukod sa pagiging drug pusher, kabilang din umano si Requil sa drug watch list ng pulisya. (Bella Gamotea)