piolo-at-maja-copy

MIXED ang reaction ng mga nakabasa sa interview ng Push kay Piolo Pascual na pinangalanan ang five women/actresses na sexy para sa kanya.

Nanguna sa listahan niya si Iza Calzado followed by Shaina Magdayao, Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Natuwa siyempre ang fans ng lima na kasama sa list ni Piolo ang mga favorite nila. Ang ipinagtataka ng iba, bakit hindi kasama si Maja Salvador na close rin sa kanya gaya ni Shaina? Nali-link pa nga sila dahil sobrang sweet tuwing magkasama.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Sabi pa ng fans ni Maja, mas seksi naman ito kaysa kina Nadine at Kathryn. Ang feeling nila, nakalimutan lang ni Piolo si Maja o baka naman hindi talaga siya naseseksihan sa aktres.

Siyanga pala, maganda ang TVC nina Piolo at Derek Ramsay para sa Dunkin Donuts. Simple ang pagkakagawa pero malakas ang dating. (Nitz Miralles)