kris-copy-copy

AFTER New Year, base sa mga post sa Instagram, nililibot ni Kris Aquino ang puwesto ng mga negosyo niyang Nacho Bimby at Potato Corner na mayroon nang tatlo, sa pagkakaalam namin, dahil nakabili na kami sa mga ito -- sa Eastwood Mall, SM The Block at Greenhills Promenade.

Soon to open naman ang Nacho Bimby sa Robinson’s Magnolia na makakatabi rin ng Potato Corner stall malapit sa sinehan. Ang gaganda ng puwesto ng Nacho Bimby ni Kris dahil malapit lahat sa sinehan kaya mabentang-mabenta.

 

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Kailan naman kaya siya maglalagay sa Gateway Mall, Alimall at lahat ng SM?

Binisita rin ni Kris ang kanyang Chow King Alimall branch na paboritong kainan ni Bossing DMB. Mahigit dalawang taon na pala ito, nag-return of investment na kaya?

Magkakaroon din ng branch ng Mang Inasal si Kris sa may Anonas, Quezon City. Hindi namin alam kung ibinigay na sa kanya ang franchise nito dahil ang alam namin ay matagal na itong nakatayo.  

Sa mga hindi nakakaalam, may Jollibee branch na rin si Kris sa kanilang hometown sa Tarlac.

Magkakaroon din ng Chow King si Kris sa may Welcome Rotonda. Hmmm, mukhang lahat ng matataong lugar ay tatayuan na ng Queen of All Media ng negosyo niya.

Natatandaan mo, Bossing DMB ‘yung nasulat namin last year na nagkita sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautistasa Chili’s restaurant na akala ng mga nakakita ay nag-date o nagkabalikan na?

Ang totoo pala, humingi ng tulong si Kris kay Bistek para sa mga permit ng mga negosyong itatayo niya sa Quezon City.

In fairness, lahat ng itinayong food business ni Kris ay mabenta. Ganado at nasa expansion mode si Kris sa kanyang business ventures. Mukhang magtutuluy-tuloy na ang realization ng dream niya na magkaroon ng food business empire. 

Bukod sa food business, abala ngayon si Kris sa production outfit niya na gumagawa ng kanyang digital show katulong ang ilang taong namamahala nito. Halos araw-araw ay may brainstorming sila.

May nagkomentong followers ni Kris na kahit hindi na siya bumalik sa telebisyon ay buhay na buhay na silang mag-iina.

Oo naman! Sa katunayan, kahit hindi na napapanood si Kris ay marami pa rin siyang TV commercials at nagre-renew pa nga ang iba.

Ibig sabihin, mabenta pa rin ang mga produktong iniendorso ng TV host/actress. (REGGEE BONOAN)