WASHINGTON (AP) – Iniutos ni Russian President Vladimir Putin ang lihim na kampanya para impluwnesiyahan ang presidential election ng Amerika pabor kay Donald Trump laban kay Hillary Clinton, deklara ng US intelligence agencies nitong Biyernes.

Ang intelligence report, isang unclassified version ng mas detalyadong classified account na nauna nang ibinigay kay Trump, sa mga lider ng White House at congress. Hindi isinama dito ang anumang ebidensiya.

Gumamit din ang Russia ng state-funded propaganda at nagbayad ng “trolls” upang gumawa ng mga pangit na komento sa social media services, ayon sa ulat. Walang pahiwatig na naapektuhan ng mga ginawa ng Russia ang aktuwal na bilangan ng mga boto na na-tamper ang ballot machines.

Nagbabala ang intelligence agencies na patuloy na tatangkain ng Russia na impluwensiyahan ang mga susunod pang kaganapan sa US at sa buong mundo, partikular na sa mga kaalyado ng Amerika.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture