Sinilat ni unseeded Aljohn Talatayod ong Arellano University si No.7 seed Jake Martin, 7-6 (4), 7-5, para makopo ang 18-under event ng 28th Andrada Cup nitong Biyernes sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagningning din sina unranked Filipino-Australian Crystal Mildwaters, nagwagi sa girls’ 18-under at 16-under division sa torneo na itinataguyod ng Philippine Tennis Association (Philta).

Ginapi ni Mildwaters, nagmula sa Cebu ang butihing ina, si No. 3 Micaella Vicencio, 6-2, 6-1 para sa kampeonato ng 16-under title, habang nakumpleto ng 15-anyos mula sa Perth, Australia ang double delebration sa naiuwing titulo sa 18-under, matapos talunin si Rafa Villanueva, 6-3, 7-5.

Nakopo naman nina Mindanao bet Janus Ringia, John David Velez at Tennielle Madis ang titulo sa kani-kanilang division.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Pinatabo ng top-seeded na si Ringia ng Koronadal, South Cotabato si second pick Marcus del Rosario, 6-4, 3-6, 6-3, sa boys’ 16-under final ng Group 1 tournament na suportado ni Philta vice president Manuel Misa ng Altamar Shipping, Thaddeus Sporting Goods at Babolat.

Nagwagi si Velez ng Davao City sa boys’ 14-under class kontra second seed Rupert Tortal, 6-2, 4-6, 6-0, habang nadomina ni Madis ang girls’ 12-under at unisex 10-under division.

Nakamit naman ni Madis, Grade 3 student sa Southern Baptist Colleges sa M’lang, North Cotabato, ang 12-under crown kontra Marielle Jarata, 6-2, 6-0 matapos masungkit ang unisex 10-under title kontra Chad Quizon, 5-4 (0), 4-5 (8), 4-1.

Naiuwi naman ni No. 1 Andrei Jarata ang boys’ 12-under title kontra No. 6 Exequiel Jucutan, 6-4, 6-0, habang napagwagihan ni No. 1 Macie Carlos ang girls’ 12-under title kontra No. 2 Gaby Zoleta, 7-5, 6-1.