NADOMINA ni top seed Janus Ringia ng South Cotabato si fourth seed Aljohn Talatayod, 6-4, 6-2, nitong Huwebes para makausad sa boys’ 16-under final ng 28th Andrada Cup Junior Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tatangkain ni Ringia, bronze medalist sa 2015 Palarong Pambansa, na makopo ang titulo kontra second seed Marcus del Rosario, nagwagi kay third seed Jose Antonio Tria, 6-4, 7-6 (7).

Sa girls’ 16-under class, nasilat ni No.3 seed Michaela Vicencio si No.1 Gennifer Pangente, 6-3, 7-5, para maisaayos ang championship duel kay unseeded Crystal Mildwaters sa Group 1 tournament na suportado ni dating Philta vice president Manuel Misa ng Altamar Shipping, Thaddeus Sporting Goods at Babolat.

Ginapi ni Mildwaters si fifth seed Macie Carlos, 6-1, 6-0. Nadomina naman niya si No. 4 Blanche Lagrisola, 6-1, 6-0, sa second round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakabawi si Carlos nang magwagi kay Justine Maneja, 6-4, 6-1, sa 14-under class. Makakaharap niya sa finals si second seed Gaby Zoleta, namayani kay Kryshana Brazal, 6-2, 7-5.

Sa boys’ 12-under category, magtutuos sa finals sina No. 1 Andrei Jarata at No.6 Exequiel Jucutan; habang maglalaban sa 10-under unisex title duel sina No. 1 Tennielle Madis at No. 2 Chad Quizon.